Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pe

Pe

[פ; pinal, ף].

Ang ika-17 titik ng alpabetong Hebreo. Isa ito sa limang titik Hebreo na may ibang anyo kapag ginagamit bilang huling titik ng isang salita. Ang pangalang ibinigay sa titik na ito ay nangangahulugang “bibig.”

Ang tunog nito sa Hebreo ay katugma ng Ingles na “p,” kapag mayroon itong tuldok (daghesh lene) sa loob nito; ngunit kapag wala ang tuldok na iyon, ito ay binibigkas na tulad ng “ph,” gaya sa Ingles na “philosophy.” Nagsisimula sa titik na ito ang bawat isa sa walong talata sa tekstong Hebreo ng Awit 119:129-136.​—Tingnan ang HEBREO, II.