Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pedaias

Pedaias

[nangangahulugang “Si Jehova ang Tumubos”].

1. Ama ni Joel, na noong panahon ng paghahari ni David ay prinsipe ng kalahati ng tribo ni Manases na nananahanan sa K ng Jordan.​—1Cr 27:20, 22.

2. Ama ng ina ni Jehoiakim na si Zebida; si Pedaias ay nanirahan sa Ruma.​—2Ha 23:36.

3. Ikatlong binanggit na anak ni Haring Jehoiakin (Jeconias) na ipinanganak noong panahon ng pagkatapon sa Babilonya. Naging anak ni Pedaias si Gobernador Zerubabel na nanungkulan pagkaraan ng pagkatapon at sa gayon ay isang mahalagang kawing sa linya na umaakay tungo kay Jesus. (1Cr 3:17-19) Dahil sa ilang di-nakaulat na kalagayan, si Zerubabel ay tinatawag ding anak ng kapatid ni Pedaias na si Sealtiel. Maaaring inampon ni Sealtiel si Zerubabel kung namatay si Pedaias noong ang bata ay musmos pa; o, kung namatay si Sealtiel bago magkaanak ng isang lalaki, maaaring nagsagawa si Pedaias ng pag-aasawa bilang bayaw, anupat naging anak si Zerubabel sa pangalan ng kaniyang kapatid na si Sealtiel.​—Ezr 5:2; Mat 1:12.

4. Isang Benjamita na ang inapo ay nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—Ne 11:4, 7.

5. Isang inapo ni Paros na tumulong kay Nehemias na magkumpuni ng pader ng Jerusalem.​—Ne 3:25.

6. Isang Israelita na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon, malamang na isang saserdote, na tumayo sa kaliwa ni Ezra noong binabasa sa nagkakatipong bayan ang Kautusan ni Jehova.​—Ne 8:1, 4.

7. Isang tapat na Levita na noong ikalawang pagdalaw ni Nehemias sa Jerusalem ay inatasan niya, kasama nina Selemias na saserdote at Zadok na tagakopya, upang mangasiwa sa iniabuloy na ikapu.​—Ne 13:6, 7, 12, 13.