Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pekahias

Pekahias

[Binuksan ni Jah].

Hari ng Israel sa Samaria, anak at kahalili ni Menahem. Ang kaniyang maikling paghahari ng dalawang taon (mga 780-779 B.C.E.) ay kinakitaan ng idolatrosong pagsamba sa guya na gaya niyaong pinasimulan ni Jeroboam at pinahintulutan ni Menahem. Ang ayudante ni Pekahias, si Peka, ay nakipagsabuwatan laban sa kaniya, pinatay siya, at nagsimulang maghari bilang kahalili niya.​—2Ha 15:22-26.