Pelatias
[Si Jehova ay Naglaan ng Pagtakas].
1. Isa sa apat na Simeonitang pinuno na nanguna sa 500 lalaki laban sa Bundok Seir at nanakit sa nalabi sa mga Amalekita, malamang na noong panahon ng paghahari ni Hezekias.—1Cr 4:41-43.
2. Anak ni Benaias; isang prinsipe ng Israel na nakita ni Ezekiel sa pangitain. Si Pelatias, kasama si Jaazanias, ay “nagpapakana ng pananakit at nagbibigay ng masamang payo” laban sa Jerusalem. Si Ezekiel ay kinasihang bumigkas ng hula laban sa bayan ng Israel, pagkatapos nito ay namatay si Pelatias.—Eze 11:1-13.
3. Isang malayong inapo ni David at apo ni Zerubabel. (1Cr 3:19-21) Posibleng siya rin ang Blg. 4.
Ne 9:38; 10:1, 14, 22; tingnan ang Blg. 3.
4. Isang ulo ng pamilya na may kinatawan sa mga lagda sa tipan na nangangakong hindi kukuha ng mga asawang banyaga.—