Peleg
[Pagkakabaha-bahagi].
Isang anak ni Eber at ama ni Reu sa linya mula kay Sem hanggang kay Abraham, at sa gayon ay isa sa mga unang ninuno ni Jesus. Si Peleg ay nabuhay nang 239 na taon (2269-2030 B.C.E.) at pinagmulan ng isa sa 70 pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha.—Gen 11:16-19; 1Cr 1:24-27; Luc 3:35.
Peleg ang ipinangalan sa kaniya dahil “nang kaniyang mga araw ay nabahagi ang lupa.” (Gen 10:25; 1Cr 1:19) Hindi sinasabi ng teksto ng mga talatang ito kung ang kapuna-punang pagkakabaha-bahaging ito ay naganap nang ipanganak si Peleg isang daang taon pagkaraan ng Delubyo, kundi “nang kaniyang mga araw” lamang. Kung ang pangalang iyon ay ibinigay sa kaniya nang ipanganak siya, posibleng iyon ay nagsilbing hula hinggil sa pangangalat na naganap nang guluhin ang mga wika sa Tore ng Babel.—Gen 11:1-9; ihambing ang pangalang Noe (malamang na nangangahulugang “Kapahingahan; Kaaliwan”), na naging makahula rin, Gen 5:29.