Pelonita
Isang termino na ginamit may kinalaman sa dalawa sa mga pangunahing mandirigma ni David, si Helez at si Ahias. (1Cr 11:26, 27, 36; 27:10) Si Helez ay tinutukoy bilang “Paltita” sa katulad na ulat sa 2 Samuel 23:26, at itinuturing ng ilang leksikograpo na ito ang mas pinipiling salin ng katawagang ito. Ang pangalan ni Ahias (1Cr 11:36) ay hindi lumilitaw, kahit sa gayong anyo, sa katumbas na talaan sa 2 Samuel 23:24-39.