Penuel
[Mukha ng Diyos].
1. “Ama ni Gedor” sa tribo ni Juda. (1Cr 4:1, 4) Yamang ang Gedor ay lumilitaw bilang pangalan ng isang bayan sa Juda, maaaring si Penuel ang tagapagtatag nito o ang ninuno ng mga naninirahan doon.
2. Isang ulo ng pamilya sa tribo ni Benjamin na nanirahan sa Jerusalem. Anak ni Sasak.—1Cr 8:1, 25, 28.
3. Isang lunsod sa dakong T ng Jabok. Noong panahon ng mga Hukom, humingi si Gideon ng pagkain sa mga lalaki ng Penuel upang makapagpatuloy ang kaniyang mga hukbo sa pagtugis sa mga hari ng Midian, ngunit tumanggi ang mga Penuelita. Dahil dito, nang maglaon ay giniba ni Gideon ang kanilang tore at pinatay ang lahat ng kanilang mga lalaki. (Huk 8:4-9, 17) Wala nang binanggit pa tungkol sa Penuel hanggang noong ‘itayo’ itong muli, o patibayin, ni Haring Jeroboam I.—1Ha 12:25.
Karaniwang ipinapalagay na ang Penuel ay ang Tulul edh-Dhahab esh-Sherqiyeh, na mga 6 na km (3.5 mi) sa S ng Sucot at malapit sa Jabok, mga 14 na km (8.5 mi) sa HS ng pinagsasalubungan nito at ng Jordan. Lumilitaw na ito’y mahigpit na nakukutaan at may estratehikong posisyon anupat kontrolado nito ang pasukan ng bangin ng Jabok na patungo sa gawing kanluran pababa sa Jordan.—Tingnan ang PENIEL.