Perga
Isang prominenteng lunsod sa Romanong probinsiya ng Pamfilia. Pinaniniwalaan na ang mga guho ng sinaunang Perga ay malapit sa makabagong nayon ng Murtana, mga 13 km (8 mi) papaloob mula sa T na baybayin ng Asia Minor at mga 8 km (5 mi) sa K ng Ilog Cestrus (Aksu). Waring noong sinauna, ayon sa Griegong heograpo na si Strabo, makapaglalayag sa ilog na ito hanggang sa Perga sa H. (Geography, 14, IV, 2) Gayunman, waring ang kalapit na Atalia sa baybayin ng Pamfilia ang nagsilbing daungan ng Perga at, nang maglaon, naging mas mahalaga pa ito kaysa sa Perga.—Ihambing ang Gaw 14:24-26.
Sa lunsod na ito nakarating ang apostol na si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan noong maagang bahagi ng kaniyang unang paglalakbay bilang misyonero. (Gaw 13:13) Sa pagtatapos nito ay ‘sinalita nila ang salita sa Perga,’ ngunit hindi alam kung may sinuman sa taong-bayan na tumanggap ng Kristiyanismo.—Gaw 14:24, 25.