Picol
Pinuno ng hukbo ng Filisteong si Haring Abimelec. Sinamahan ni Picol si Abimelec noong makipagtibay ito ng mga tipan kay Abraham at kay Isaac. (Gen 21:22, 32; 26:26, 31) Yamang mahigit 75 taon ang pagitan ng dalawang pangyayaring iyon, ang “Picol” ay maaaring isang titulo o pangalan na ginagamit para sa sinumang humahawak ng katungkulang ito sa halip na pangalan ng isang tao na napakatagal na sa posisyong iyon. Sa ganito ring kadahilanan, ang pangalan ng kaniyang hari ay maaaring isang titulo rin.