Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pim

Pim

Ang halagang sinisingil ng mga Filisteo sa mga Israelita para sa pagpapahasa ng iba’t ibang kasangkapang metal. (1Sa 13:20, 21) Lumilitaw na ang pim ay isang panimbang. Ang ilang batong panimbang na natagpuan sa mga paghuhukay sa Palestina ay may mga katinig ng “pim” sa sinaunang mga titik Hebreo; nagkakaiba-iba ang mga iyon mula 7.18 hanggang 8.13 g (0.231 hanggang 0.261 onsa t). Kung ibabatay rito, ang pim ay humigit-kumulang dalawang katlo ng isang siklo.