Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Piram

Piram

[Sebra].

Ang Amoritang hari ng Jarmut noong panahong pumasok ang Israel sa Lupang Pangako. Sumama si Piram sa apat na iba pang Amoritang hari sa isang sabuwatan laban sa mga Gibeonita, na nakipagpayapaan kay Josue. Sa sumunod na pagbabaka, nanganlong si Piram at ang iba pang mga hari sa isang yungib sa Makeda, na sinarhan ng mga Israelita hanggang noong matapos ang labanan. Pagkatapos, si Piram at ang iba pa ay pinatay, ibinitin sa mga tulos hanggang gabi, at inilibing sa yungib ding iyon.​—Jos 10:1-27.