Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pison

Pison

[posible, Higit na Nangalat].

Isa sa apat na ilog na nagsanga sa “ilog na lumalabas mula sa Eden” at mula roon ay pumalibot ito sa buong lupain ng Havila, isang lupain na sinabing pinagmumulan ng ginto, sahing ng bedelio, at batong onix. (Gen 2:10-12) Hindi matiyak kung aling ilog ang tinutukoy bilang Ilog Pison, anupat iminumungkahi para rito ang ilang ilog sa silangang Turkey, at maging ang Ilog Ganges ng India.

Sa artikulong EDEN Blg. 1, binanggit ang posibilidad na pinawi ng pangglobong Baha ang anumang katibayan na makatutulong upang matukoy ang mga ilog ng Pison at ng Gihon. Sabihin pa, posibleng ang mga ilog na ito ay umiiral pa rin at kilalá noong mga araw ni Moises nang isulat ang aklat ng Genesis. Ang pagbanggit niya sa “lupain ng Havila” ay hindi naman nangangahulugang gayon na ang pangalan ng rehiyong iyon bago pa ang Baha, gaya rin ng kaso ng pagtukoy niya sa “lupain ng Cus.” (Gen 2:13) Sa halip, ang mga pagbanggit ni Moises sa mga lupaing ito ay maliwanag na tumutukoy sa mga lugar na pinanganlan nang gayon pagkaraan ng Baha at nagsilbing heograpikong palatandaan na kilalá noong kaniyang panahon. Bukod pa sa anumang pagbabago na idinulot ng Baha, posible ring mabago ng mga lindol ang landas ng mga ilog o pawiin ang ilang bahagi ng mga ito. Maaaring nangyari iyon noong mga panahon pagkaraan ng Baha; ang silangang Turkey, na malamang na siyang lokasyon ng Eden, ay nasa lugar na malimit magkalindol.​—Tingnan ang HAVILA Blg. 1.