Pitom
[mula sa Ehipsiyo, nangangahulugang “Bahay [Templo] ni Atum”].
Isa sa dalawang imbakang lunsod na itinayo ng inaliping mga Israelita sa Ehipto, ang isa pa ay ang Raamses. (Exo 1:11) Hindi pa tiyakang natutukoy ang dakong ito. Lumilitaw na ang mga arkeologo ay naimpluwensiyahan sa kanilang mga konklusyon ng popular na pangmalas na ang Paraon noong panahon ng paniniil sa mga Israelita ay si Ramses II, isang pangmalas na walang matibay na batayan.—Tingnan ang RAAMSES, RAMESES.