Pua
Ang pangalang ito ay kumakatawan sa dalawang magkahawig na pangalang Hebreo na magkaiba ang kasarian at kahulugan ngunit pareho ang baybay sa mga salin nito sa Griego at Ingles.
1. [sa Heb., Pu·ʼahʹ]. Ikalawang anak na lalaki ni Isacar.—1Cr 7:1; tingnan ang PUVA.
2. [sa Heb., Pu·ʽahʹ]. Isang komadronang Hebreo; siya at ang kasamahan niyang komadrona na si Sipra ay pinag-utusan ni Paraon na patayin ang lahat ng sanggol na lalaki na ipanganganak sa mga Hebreo. Ngunit dahil natatakot siya sa Diyos, pinanatili niyang buháy ang mga sanggol na lalaki at pinagpala siya ni Jehova na magkaroon ng kaniyang sariling pamilya.—Exo 1:15-21.
3. [sa Heb., Pu·ʼahʹ]. Ama ni Hukom Tola at anak ni Dodo; tribo ni Isacar.—Huk 10:1.