Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Publio

Publio

[mula sa Lat., nangangahulugang “Popular”].

Isang mayamang may-ari ng lupa na naninirahan sa Malta na may-kabaitang nag-asikaso kay Pablo at sa mga kasama nito sa loob ng tatlong araw matapos na mawasak sa pulo ang sinasakyan nilang barko. Pinagaling naman ni Pablo ang ama ni Publio mula sa lagnat at disintirya.​—Gaw 28:7, 8.

Si Publio “ang pangunahing lalaki sa pulo.” Noong panahong iyon, ang gayong katawagan ay lumilitaw na nagpapahiwatig ng isang opisyal na titulo na maihahalintulad sa gobernador, malamang na tumutukoy sa isang nangungunang Romanong opisyal sa pulong iyon.