Quarto
Pagkatapos buksan “ang ikatlong tatak,” gaya ng binabanggit sa Apocalipsis 6:5, 6, sinasabi na kapuwa ang isang khoiʹnix ng trigo at tatlong khoiʹni·kes ng sebada ay ipagbibili ng isang denario. Sa pangkalahatan, naniniwala ang mga iskolar na ang khoiʹnix ay mas marami nang kaunti kaysa sa isang litro o wala pang isang tuyong quarto ng U.S. Yamang ang isang denario ay katumbas ng kabayaran sa maghapong paggawa noong panahon ni Juan (Mat 20:1-12), ang pagbibili ng mga butil sa gayong mga halaga ay mangangahulugan ng mga kalagayan ng taggutom.