Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Raama

Raama

Isang anak na lalaki ng panganay ni Ham, si Cus, at kapatid ni Nimrod. Si Raama at ang kaniyang dalawang anak na lalaki na sina Sheba at Dedan ang pinagmulan ng tatlo sa 70 pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha. (Gen 10:6-8; 1Cr 1:9) Pagkalipas ng maraming siglo, ang mga inapo ng tribo nina Raama, Dedan, at Sheba ay pawang nakipagkalakalan sa Tiro. (Eze 27:20, 22) Hindi matiyak kung saan nanirahan ang tribong nagmula kay Raama, ngunit ito’y malamang na sa lunsod ng Raama na malapit sa Maʽin sa TK Arabia.