Rabit
[Karamihan; Kasaganaan].
Ayon sa tekstong Masoretiko, isang lugar sa hangganan ng Isacar. (Jos 19:17, 18, 20) Ipinapalagay na ito rin ang Daberat, na sinasabing ang Khirbet Dabura (Horvat Devora). (Jos 19:12) Ang pangmalas na ito ay waring sinusuportahan ng Vatican Manuscript No. 1209, ng ikaapat na siglo C.E., yamang Da·bi·ron ang mababasa roon sa halip na “Rabit.”—Tingnan ang DABERAT.