Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Rabmag

Rabmag

Ang titulo ng isang pangunahing opisyal ng Imperyo ng Babilonya nang panahong wasakin ang Jerusalem noong 607 B.C.E. Ang titulong ito ay nakilala sa nahukay na mga inskripsiyon. Si Nergal-sarezer na Rabmag ang isa sa mga lalaki na nasa pantanging tribunal ng matataas na Babilonyong prinsipe na umupo upang humatol sa Gitnang Pintuang-daan ng Jerusalem pagkatapos na bumagsak ang lunsod sa kamay ni Nabucodonosor at binabanggit siya may kaugnayan sa pagpapalaya kay Jeremias upang pumaroon ito kay Gedalias.​—Jer 39:3, 13, 14.