Racal
Isa sa mga lugar na pinadalhan ni David ng mga samsam mula sa kaniyang pakikipagdigma sa mga Amalekita. (1Sa 30:18, 26, 29) Ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng “Carmel” sa halip na Racal, at naniniwala ang ilang iskolar na ito ang orihinal na mababasa sa teksto.