Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ram

Ram

[Mataas].

1. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Perez at ni Hezron; nabuhay siya habang ang Israel ay nasa Ehipto. Bagaman lumilitaw na hindi si Ram ang unang anak ni Hezron, ang talaangkanan ni Ram, na umaakay tungo sa Davidikong linya, ang unang nakatala sa tatlong anak ni Hezron. (1Cr 2:4, 5, 9-17, 25) Yamang kabilang sina Nason, Boaz, at David sa kaniyang mga inapo, si Ram ay isang ninuno ni Jesus. (Bil 1:7; Ru 4:18-22; Mat 1:3, 4) Ang kaniyang pangalan ay binabaybay na Arni (Aram sa ilang manuskrito) sa pinagmulang angkan ni Jesus ayon kay Lucas.​—Luc 3:33.

2. Ang panganay na anak ni Jerameel at pamangkin ng Blg. 1. Nagkaanak siya ng tatlong lalaki.​—1Cr 2:9, 25, 27.

3. Pinagmulan ng pamilya ni Elihu.​—Job 32:2.