Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ramot

Ramot

[malamang, Matatayog na Dako; mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “pumaitaas”].

1. Isang lunsod ng mga Levita sa teritoryo ng Isacar. (1Cr 6:71-73) Lumilitaw na ito rin ang Remet at Jarmut (Blg. 2). (Jos 19:17, 21; 21:27-29) Ipinapalagay na ang Ramot ay ang Kokab el-Hawa (Kokhav ha-Yarden), na nasa isang talampas na mga 10 km (6 na mi) sa H ng Bet-sean.

2. Lumilitaw na ang “Ramot sa timog” sa 1 Samuel 30:27 ay tumutukoy sa “Baalat-beer, ang Rama ng timog” na binanggit sa Josue 19:8. Maliwanag na ito ay nasa Negeb.​—Tingnan ang RAMA Blg. 2.

3. Isang lunsod sa Gilead, sa silangan ng Ilog Jordan. (Jos 20:8) Nang maglaon ay tinawag itong Ramot-gilead.​—Tingnan ang RAMOT-GILEAD.