Reba
[posible, Ikaapat [na Bahagi]].
Isa sa limang hari ng Midian na napatay noong ipaghiganti ang paghikayat ng Midian sa Israel na gumawa ng imoralidad. (Bil 31:2, 8) Nang panahong iyon, ang lima ay ipinapalagay na mga basalyo ng mga Amorita at sa gayon ay tinatawag ding “mga duke ni Sihon.”—Jos 13:21.