Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Recab

Recab

[Tagapagpatakbo ng Karo].

1. Isang Benjamitang anak ni Rimon na Beerotita. Pinaslang ni Recab at ng kaniyang kapatid na si Baanah, kapuwa mga kapitan ng mga pangkat ng mandarambong, si Is-boset, na anak at kahalili ni Saul, at dinala ang ulo nito kay David, anupat umaasang magtatamo ng pabor, ngunit kapuwa sila ipinapatay ni David dahil sa kanilang balakyot na gawa laban sa isang lalaking matuwid.​—2Sa 4:2, 5-12.

2. Isang Kenitang ama o ninuno ng kasamahan ni Jehu na si Jehonadab at ninuno ng mga Recabita.​—1Cr 2:55; 2Ha 10:15, 23; Jer 35:6, 8, 14, 16, 18, 19; tingnan ang RECABITA, MGA.

3. Ama o ninuno ng Malkias na tumulong kay Nehemias na kumpunihin ang isang pintuang-daan ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:14) Kung siya rin ang Recab sa Blg. 2, pinatutunayan ng pagkanaroroon ni Malkias ang katuparan ng pangako ni Jehova sa mga Recabita gaya ng masusumpungan sa Jeremias 35:19.