Regio
Isang lunsod sa timugang Italya na sa ngayon ay tinatawag na Reggio o Reggio di Calabria. Ang barkong sinasakyan ng apostol na si Pablo bilang isang bilanggo ay huminto sa Regio noong patungo siya sa Roma upang humarap kay Cesar, noong mga taóng 59 C.E.
Ang Regio ay nasa Kipot ng Messina, na naghihiwalay sa Italya at Sicilia. Sa H lamang ng Regio, kinailangang lampasan ng barkong sinasakyan ni Pablo ang lungos na Scylla sa panig ng kipot sa gawing Italya at ang alimpuyong Charybdis naman sa gawing Gaw 28:13.
Sicilia, na kapuwa itinuturing na mapanganib ng mga sinaunang marinero. Isang araw pagkarating nila sa Regio, isang hanging T ang humihip at ligtas silang itinulak nito sa pagdaan sa kipot at sa HHK patungong Puteoli.—