Rekem
[posible, Manghahabi].
1. Isang hari ng Midian, isa sa lima na pinatay nang ang Midian ay parusahan dahil sa panghihikayat sa Israel sa imoralidad. Ang lima, ipinapalagay na mga basalyo ng mga Amorita, ay tinawag ding “mga duke ng Sihon.”—Bil 31:8; Jos 13:21.
2. Isang inapo ni Manases.—1Cr 7:14, 16.
3. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ng anak ni Hezron na si Caleb.—1Cr 2:4, 5, 9, 42-44.
4. Isang lunsod sa teritoryo na takdang bahagi ng Benjamin, hindi alam ang lokasyon nito.—Jos 18:21, 27, 28.