Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repan

Repan

Isang bathalang bituin na binanggit ni Esteban nang ipagtanggol niya ang kaniyang sarili sa harap ng Sanedrin. (Gaw 7:43) Malamang na sinipi ni Esteban sa Griegong Septuagint ang mga salita ng Amos 5:26, 27, upang ipakita na ang pagkatapon ng Israel ay resulta ng pagsamba nila sa mga banyagang bathala na gaya ni Repan (Kaiwan). Isinalin ng mga tagapagsalin ng Septuagint ang “Kaiwan” bilang Rhai·phanʹ, subalit sa pagsipi ni Esteban, ang katawagang Rhom·phaʹ ang makikita sa tekstong Griego nina Westcott at Hort. Ganito ang sinabi ni F. J. A. Hort sa isang nota sa Gawa 7:43: “Sa LXX ng Am 5 26, ang anyong ginamit ay [Rhai·phanʹ] o [Rhe·phanʹ], na kahawig ng RepaRepha, isa sa mga pangalan ni Saturn (Seb) ng Ehipto.”​—The New Testament in the Original Greek, nina Westcott at Hort, Graz, 1974, Tomo II, apendise, p. 92; tingnan ang ASTROLOGO (Si Molec at ang Astrolohiya sa Israel); KAIWAN.