Reuel
[Kasamahan (Kaibigan) ng Diyos].
1. Ikalawang binanggit na anak ni Esau sa anak ni Ismael na si Basemat. Ang apat na anak mismo ni Reuel ay naging mga Edomitang shik.—Gen 36:2-4, 10, 13, 17; 1Cr 1:35, 37.
2. Biyenan ni Moises, isang saserdote ng Midian. (Exo 2:16-21; Bil 10:29) Sa ibang bahagi ng Kasulatan ay tinawag na Jetro.—Tingnan ang JETRO.
3. Isang Gadita na ang anak na si Eliasap ay pinuno ng tribo noong panahon ng paglalakad sa ilang. (Bil 2:14) Ang pangalang ito ay binabaybay na Deuel sa iba pang mga paglitaw nito.—Tingnan ang DEUEL.
4. Ninuno ng isang Benjamita na nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:3, 7, 8.