Reyna
Sa makabagong diwa, isang titulong ibinibigay alinman sa asawa ng hari o sa isang babaing monarka. Sa Bibliya, kadalasang tumutukoy ang titulong ito sa mga babae sa labas ng mga kaharian ng Israel at Juda. Ang salitang Hebreo na pinakamalapit sa ideya ng reyna gaya ng pagkaunawa rito sa ngayon ay mal·kahʹ. Ngunit noon, bihirang mangyari sa Silangan na isang babae ang hahawak ng awtoridad na mamahala. Maaaring ang reyna ng Sheba ay nagkaroon ng gayong kapangyarihan. (1Ha 10:1; Mat 12:42) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang “reyna” ay isinalin mula sa salitang ba·siʹlis·sa, ang anyong pambabae ng salita para sa “hari.” Ikinakapit ang titulong ito kay Reyna Candace ng Etiopia.—Gaw 8:27.
Sa Hebreong Kasulatan, mas madalas gamitin ang mal·kahʹ may kaugnayan sa isang abay na reyna, o ang pangunahing asawa ng hari ng isang banyagang kapangyarihan. Si Vasti, bilang pangunahing asawa ni Haring Ahasuero ng Persia, ay isang abay na reyna sa halip na reynang namamahala. Hinalinhan siya ng babaing Judio na si Esther, anupat Es 1:9, 12, 19; 2:17, 22; 4:11); anumang awtoridad na maaaring tinaglay niya ay ipinagkaloob lamang ng hari.—Ihambing ang Es 8:1-8, 10; 9:29-32.
si Esther ang naging abay na reyna, at bagaman may maharlikang dangal si Esther, hindi siya isang kasamang tagapamahala (Sa Israel. Ang salitang Hebreo na gevi·rahʹ, isinalin bilang “reyna” sa ilang bersiyon, ay mas tumpak na nangangahulugang “ginang” o “among babae.” Sa mga kaso kung saan ginagamit ang titulong ito, waring pangunahin itong kumakapit sa ina o lola ng hari, yamang ang mga babaing iyon ay iginagalang bilang mga maharlika, halimbawa, si Jezebel na ina ni Haring Jehoram ng Israel. (2Ha 10:13) Nang lumapit ang ina ni Solomon sa kaniya taglay ang isang kahilingan, yumukod siya rito at nagpalagay siya ng isang trono sa kaniyang kanan para rito. (1Ha 2:19) Ang “ginang” ay maaaring patalsikin ng hari mula sa puwesto nito, gaya ng ginawa kay Maaca na lola ni Haring Asa ng Juda, na inalis niya sa pagiging “ginang” dahil gumawa ito ng isang kakila-kilabot na idolo sa sagradong poste.—1Ha 15:13.
Walang sinumang babae ang maaaring maging legal na ulo ng estado sa mga kaharian ng Israel at ng Juda. (Deu 17:14, 15) Gayunman, pagkamatay ni Ahazias na hari ng Juda, nilipol ng kaniyang inang si Athalia, anak ng balakyot na si Haring Ahab ng Israel at ng asawa nitong si Jezebel, ang lahat ng tagapagmana ng kaharian maliban sa anak ni Ahazias na si Jehoas, na itinago ng kapatid ni Ahazias na si Jehosheba. Pagkatapos ay ilegal na naghari si Athalia sa loob ng anim na taon, hanggang noong patayin siya sa utos ng mataas na saserdoteng si Jehoiada.—2Ha 11:1-3, 13-16.
Sa Babilonya. Sa Babilonya, ang trono ay para lamang sa mga hari. Sa Daniel 5:10, lumilitaw na ang “reyna” (sa Aramaiko, mal·kahʹ) ay hindi ang asawa kundi ang ina ni Belsasar, gaya ng ipinahihiwatig ng kabatiran nito sa mga pangyayaring may kinalaman kay Nabucodonosor na lolo ni Belsasar. Bilang inang reyna, nagtaglay siya ng maharlikang dangal at lubhang iginalang ng lahat, pati ni Belsasar.
Sa Ehipto. Mga lalaki ang kauna-unahang mga ulo ng estado sa Ehipto. Sa totoo, ang tinatawag na “mga reyna” ay mga abay lamang. Sa 1 Hari 11:19, si Tapenes na asawa ni Paraon ay tinatawag na “ginang.” Naging reyna lamang si Hatshepsut dahil tumanggi siyang isuko ang kaniyang pamamahala nang sumapit na sa hustong gulang ang tagapagmana, si Thutmose III. Pagkamatay niya, pinawi o winasak ni Thutmose III ang lahat ng kaniyang bantayog. Ngunit nang maglaon, noong panahon ng paghaharing Ptolemaiko (Macedonio) sa Ehipto, nagkaroon ng mga reynang namamahala.
Sa Huwad na Pagsamba. Noong mga araw ni Jeremias, iniwan ng mga apostatang Israelita si Jehova, ang kanilang tunay na Hari, at sila ay idolatrosong gumawa ng mga tinapay, mga handog na inumin, at haing usok para sa “reyna [sa Heb., meleʹkheth] ng langit.”—Jer 7:18; 44:17, 18; tingnan ang REYNA NG LANGIT.
Sa Apocalipsis 18:7, ipinakikitang sinasabi ng Babilonyang Dakila nang may paghahambog, “Ako ay nakaupong isang reyna [sa Gr., ba·siʹlis·sa],” anupat nakaupo siya sa “mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.” (Apo 17:15) Pinananatili niya ang kaniyang kontrol sa pamamagitan ng kaniyang imoral na pakikipagtalik sa makalupang mga tagapamahala, gaya rin ng ginawa ng maraming reyna noon.—Apo 17:1-5; 18:3, 9; tingnan ang BABILONYANG DAKILA.
Ang “Malareynang Abay” sa Langit. Yamang kay Kristo Jesus ikinakapit ng Hebreo 1:8, 9 ang Awit 45:6, 7, malamang na “ang anak na babae ng hari” sa Awit 45:13 ay makahula hinggil sa uring kasintahang babae ni Kristo. Dahil dito, lumilitaw na “ang malareynang abay” (sa Heb., she·ghalʹ) na binabanggit sa Awit 45:9 ay ang asawa ng Dakilang Hari, si Jehova. Hindi sa “malareynang abay” na ito iginawad ni Jehova ang awtoridad na mamahala bilang mga hari kundi kay Jesu-Kristo at sa 144,000 kasamahan nito na tinubos mula sa lupa.—Apo 20:4, 6; Dan 7:13, 14, 27.