Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Rezep

Rezep

Isang lugar na binanggit sa mensahe ni Senakerib kay Haring Hezekias na naghahambog na winasak ng mga Asiryanong hari ang iba’t ibang “bansa.” (2Ha 19:8-12; Isa 37:12) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Rezep, palibhasa’y ilang lugar ang nagkaroon ng ganitong pangalan. Ang isa sa gayong lugar, ipinapalagay ng ilan na naging bahagi ng isang sinaunang distrito, ay iniuugnay sa makabagong Rusaʼfeh, nasa K ng Eufrates mga 145 km (90 mi) sa T ng makabagong Haran. Sa gayon ay nasa kapaligiran ito ng iminungkahing dako ng Gozan, na binanggit kasama ng Rezep.