Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Rodanim

Rodanim

Nakatala bilang isa sa apat na anak ni Javan sa 1 Cronica 1:7. Hindi matiyak ang tamang baybay ng pangalang ito, yamang ang nasa tekstong Masoretiko sa 1 Cronica 1:7 ay “Rodanim,” samantalang ang maraming manuskritong Hebreo at ang Latin na Vulgate ay kababasahan dito ng “Dodanim.” Lumilitaw rin ang “Dodanim” sa tekstong Masoretiko sa Genesis 10:4, bagaman ang Griegong Septuagint at ang Samaritanong Pentateuch ay kababasahan ng “Rodanim.” Sa Hebreo ang titik “r” (ר) at ang titik “d” (ד) ay magkahawig na magkahawig at sa gayon ay maaaring mapagpalit ng isang tagakopya. (Sa gayon ang “Ripat” sa Gen 10:3 ay makikita bilang “Dipat” sa 1Cr 1:6 sa tekstong Masoretiko.) Ipinakikita ng karamihan sa mga salin ang dalawang pangalang ito. Gayunman, mas pabor ang maraming leksikograpo sa “Rodanim.” Ipinapalagay ng mga komentaristang pabor sa pangalang ito na malamang na ang mga taong nagmula sa anak na ito ni Javan ang tumira sa pulo ng Rodas at sa karatig na mga pulo ng Dagat Aegeano.