Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ros

Ros

1. Isang anak ni Benjamin na nakatalang kabilang sa mga pumaroon sa Ehipto noong 1728 B.C.E. kasama ng sambahayan ni Jacob o na ipinanganak di-nagtagal pagkatapos nito. (Gen 46:21, 26; tingnan ang BENJAMIN Blg. 1.) Ang pag-aalis ng kaniyang pangalan mula sa mas huling mga talaan ng Benjamitang mga pamilya ay maaaring nagpapahiwatig na namatay siya na walang anak o na ang kaniyang mga anak ay napasama sa ibang pantribong pamilya.

2. Isang pangalan na masusumpungan sa ilang salin ng Ezekiel 38:2 at 39:1 (AS, JB, Le, LXX, Mo, Yg, Ro), minamalas ng ilang iskolar na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong taga-hilaga na tinatawag na Rus (Ruso), na sinasabing nanirahan sa kahabaan ng Ilog Volga. Gayunman, dahil sa kahulugan ng termino at sa pagkakapit nito kay Gog, angkop itong isinalin bilang bahagi ng isang titulo sa halip na pangalan ng isang grupo ng mga tao o isang lugar: samakatuwid, “ulong pinuno” (NW); “punong prinsipe” (KJ, Dy, Fn, JP, RS); “dakilang prinsipe” (AT); “prinsipe ng ulo” at “ulong prinsipe” (Vg); “lider at ulo” (Sy); “ulong dakila” (mga Targum).