Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ruda

Ruda

[sa Gr., peʹga·non; sa Ingles, rue].

Ang karaniwang uri ng ruda (Ruta graveolens) ay isang halamang tulad-palumpong, nabubuhay nang ilang taon at matapang ang amoy na may mabuhok na mga tangkay at tumataas nang mga 1 m (3 piye). Mayroon itong mga dahon na luntiang-abuhin at nag-uusbong ng kumpul-kumpol na dilaw na mga bulaklak. Noong mga araw ng ministeryo ni Jesus sa lupa, maaaring ang ruda ay itinatanim sa Palestina upang gamitin sa medisina at bilang pampalasa ng pagkain.

Ang halamang ito ay binanggit lamang sa Lucas 11:42, may kinalaman sa napakaingat na pagbibigay ng mga Pariseo ng ikapu. Sa halip na “ruda,” “eneldo” ang binabanggit ng katulad na ulat sa Mateo 23:23, gaya rin ng binabanggit ng isang ikatlong-siglong manuskrito (P45) sa Lucas 11:42.