Ruma
[Kaitaasan; Mataas na Dako].
Bayan ni Zebida (at ng kaniyang ama na si Pedaias), na isang asawa ni Haring Josias ng Juda at ina ni Jehoiakim. (2Ha 23:34, 36) Hindi tiyak kung saan ang lokasyon nito. Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet er-Rumeh, na ang pangalan ay kahawig ng Ruma. Sa ngayon, iyon ay tinatawag na Horvat Ruma at matatagpuan mga 10 km (6 na mi) sa H ng Nazaret. Iniuugnay naman ng ilan ang Ruma sa Biblikal na bayan ng Aruma na binanggit sa Hukom 9:41 at ipinapalagay na malapit sa Sikem.—Tingnan ang ARUMA.