Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Sa Palibot ng Dagat ng Galilea

Sa Palibot ng Dagat ng Galilea

MAPA: Sa Palibot ng Dagat ng Galilea

ANG loobang tubig-tabang na lawa na tinatawag na Dagat ng Galilea, Dagat ng Tiberias, o Lawa ng Genesaret, ay napalilibutan ng mga burol sa hilagang Palestina. (Larawan sa ibaba) Tulad ng hiyas sa isang malalim na lunas, ang lawa ay mga 210 m (700 piye) ang kababaan mula sa kapantayan ng dagat. Ito ay may haba na mga 21 km (13 mi) at lapad na mga 12 km (7.5 mi). Maraming namumukod-tanging pangyayari sa ministeryo ni Jesus ang naganap kapuwa sa lawang ito at sa palibot nito.

Sa ilang pagkakataon, nagsalita si Jesus mula sa isang bangka sa mga pulutong na nagkakatipon sa baybayin ng dagat na ito. (Mar 4:1, 2) Ang Capernaum, isang lunsod sa hilagang baybayin, ay nakilala bilang ang “sariling lunsod” ni Jesus, bagaman madalas siyang naglalakbay noon. (Mat 9:1; Mar 2:1) Naglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig ng dagat na ito at nagpakita siya malapit dito matapos siyang buhaying-muli.​—Ju 6:1, 16-21; 21:1, 4-19.