Saaraim
[Doblihang Pintuang-daan].
1. Isang lunsod ng Juda sa Sepela. (Jos 15:20, 33, 36) Matapos talunin ni David si Goliat at dahil sa pagtugis ng mga Israelita, ang namatay na mga Filisteo ay nagkalat mula sa ‘Saaraim hanggang sa Gat at Ekron.’ (1Sa 17:52) Ang Saaraim ay nasa kapaligiran ng “mababang kapatagan ng Elah” (ang es-Sant [ʽEmeq ha-ʼEla]) at Azeka (Tell Zakariyeh [Tel ʽAzeqa]). (Jos 15:35; 1Sa 17:1, 2) Hindi pa tiyakang natutukoy ang lugar na ito.
2. Isang lunsod ng Simeon. (1Cr 4:24, 31) Waring ito rin ang Silhim (Jos 15:32) at ang Saruhen. (Jos 19:6) Ipinapalagay na ito ay ang Tell el-Farʽah (Tel Sharuhen), na mga 35 km (22 mi) sa K ng Beer-sheba.