Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sabta

Sabta

Isang anak ni Cus at kapatid ni Nimrod; pinagmulan ng isa sa 70 pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha. (Gen 10:7, 8, 32; 1Cr 1:9, 10) Lumilitaw na ang mga inapo ni Sabta ay namayan sa timugang Arabia, marahil sa isa sa mga lugar na nang maglaon ay nagtaglay ng pangalang kahawig ng sa kaniya. Iminungkahi ang Sabota, ang sinaunang kabisera ng Hadhramaut, at binanggit ni Ptolemy ang isang bayan na tinatawag na Saptha malapit sa Gulpo ng Persia, ngunit nanatiling di-tiyak ang anumang kaugnayan sa mga lugar na ito.