Salmon
Ang anak ng pinuno ng Juda na si Nason, malamang na ipinanganak noong panahon ng 40-taóng paglalakbay sa ilang. Napangasawa ni Salmon si Rahab ng Jerico, at sa kaniya ay naging anak ni Salmon si Boaz. Kaya naman isa siyang kawing sa linya ng angkan na patungo kina David at Jesus. (Bil 2:3; Ru 4:20-22; Mat 1:4, 5; Luc 3:32) Sa 1 Cronica 2:11 ay tinatawag siyang Salma. Gayunman, ang inapong ito ni Ram, si Salmon, na ang mga supling ay nanirahan sa Betlehem, ay hindi dapat ipagkamali kay Salma na binanggit sa 1 Cronica 2:51, 54 bilang ang “ama” o tagapagtayo ng Betlehem, sapagkat ang huling nabanggit ay isang inapo ng kapatid ni Ram na si Caleb.—Ihambing ang 1Cr 2:9, 18.