Samek
[ס].
Ang ika-15 titik ng alpabetong Hebreo. Ang samek ay kumakatawan sa tunog na ginamit ng mga Efraimita noong sinisikap nilang bigkasin ang salitang “shibolet,” na nagsisimula sa titik na shin (שׁ) sa halip na sa titik na samek. (Huk 12:6; tingnan din ang SIN, SHIN.) Sa Hebreo, samek ang unang titik sa bawat isa sa walong talata ng Awit 119:113-120.