Samua
[pinaikling anyo ng Semaias, nangangahulugang “Narinig (Pinakinggan) ni Jehova”].
1. Ang pinuno na kumakatawan sa tribo ni Ruben na isinugo ni Moises sa Lupang Pangako bilang isang tiktik; anak ni Zacur. Nakisama siya sa siyam na iba pang tiktik sa pagpapahina ng loob ng mga Israelita upang hindi manampalataya ang mga ito na papawiin ni Jehova mula sa Canaan ang kanilang mga kaaway.—Bil 13:2-4, 28, 29.
2. Isang anak ni David na kabilang sa mga isinilang ni Bat-sheba, samakatuwid ay tunay na kapatid ni Haring Solomon. (2Sa 5:13, 14; 1Cr 14:3, 4) Minsan siyang tinawag na Simea.—1Cr 3:5.
3. Isang Levita na mula sa linya ni Jedutun na ang anak o inapo na si Abda ay nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:17) Tinatawag siyang Semaias sa 1 Cronica 9:16.
4. Isang saserdote na nangunguna sa sambahayan ni Bilga sa panig ng ama noong mga araw ng kahalili ni Jesua na si Joiakim.—Ne 12:12, 18.