Sapat
[pinaikling anyo ng Sepatias, nangangahulugang “Si Jehova ay Humatol”].
1. Isang pinuno na kumakatawan sa tribo ni Simeon bilang isa sa mga tiktik na gumugol ng 40 araw sa Lupang Pangako; anak ni Hori.—Bil 13:2, 5, 25; tingnan ang TIKTIK.
2. Isa sa mga tagapag-alaga ng kawan ni Haring David; anak ni Adlai. Ang mga kawan na inalagaan ni Sapat ay nasa mabababang kapatagan.—3. Ama ng propetang si Eliseo.—1Ha 19:16, 19; 2Ha 3:11; 6:31.
4. Isang inapo ni Gad na nanirahan sa Basan.—1Cr 5:11, 12.
5. Isa sa mga inapo ni Haring David na nabuhay pagkatapos ng pagkatapon.—1Cr 3:22.