Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sapir

Sapir

[Elegante; Pinakinis; Kaayaaya].

Isang lugar na maliwanag na nasa Juda. Ang mga naninirahan dito ay kasama sa hula ni Mikas tungkol sa kahatulang sasapit sa Juda at Jerusalem. (Mik 1:11) Sa seksiyong ito ng hula, si Mikas ay paulit-ulit na gumamit ng mga salitang katunog ng mga pangalan ng mga lugar. (Tingnan ang BET-EZEL.) Ipinapalagay na ang Sapir ay ang Khirbet el-Kaum, na mga 15 km (9.5 mi) sa K ng Hebron.