Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Seah

Seah

Isang panukat ng tuyong bagay na, ayon sa mga impormasyong rabiniko, katumbas ng isang katlo ng isang epa. (Gen 18:6; 1Sa 25:18; 1Ha 18:32; 2Ha 7:1, 16, 18) Yamang ang takal na epa ay tinutuos na 22 L (20 tuyong qt), batay sa arkeolohikal na katibayan hinggil sa mailalaman ng katumbas nitong bat na panukat ng likido (ihambing Eze 45:11), ang magiging katumbas ng takal na seah ay 7.33 L (6.66 tuyong qt).