Sebanias
1. Isang saserdote na tumugtog ng trumpeta sa prusisyong sumabay sa kaban ng tipan patungong Jerusalem noong mga araw ni David.—1Cr 15:3, 24.
2. Isang makasaserdoteng sambahayan sa panig ng ama na kinatawanan ni Jose noong mga araw ng kahalili ng mataas na saserdoteng si Jesua na si Joiakim. (Ne 12:12, 14) Sa isang may-pangkalahatang pagkakatulad na talaan ng mga saserdote na bumalik kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E., ang pangalang Secanias ang lumilitaw sa halip na Sebanias. (Ne 12:1-7) Noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias, isang miyembro ng pamilya ring ito o isang indibiduwal na saserdote na may gayunding pangalan ang nagpatotoo sa pambansang tipan na ginawa noon.—Ne 10:1, 4, 8.
3. Isa sa mga Levita o isang kinatawan ng isang Levitikong pamilya na may gayunding pangalan, kapanahon nina Ezra at Nehemias, na nanguna sa mga Judio sa isang panalangin ng pagtatapat, pagkatapos nito ay nagpanukala sila at nagtatak sa isang tipan ng katapatan.—Ne 9:4, 5, 38; 10:1, 9, 10.
4. Isa pang Levita na nagpatotoo sa mapagkakatiwalaang kaayusan ding iyon, alinman sa sarili niyang pangalan o sa pangalan ng isang ninuno.—Ne 9:38; 10:9, 12.