Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sebat

Sebat

Ang pangalan ng ika-11 buwang lunar ng mga Judio sa kanilang sagradong kalendaryo, ngunit ikalimang buwan naman sa sekular na kalendaryo. (Zac 1:7; Deu 1:3; 1Cr 27:14) Katumbas ito ng huling bahagi ng Enero at unang bahagi ng Pebrero. Hindi matiyak kung ano ang kahulugan ng pangalang ito.

Ang buwang ito sa kalagitnaan ng taglamig ay waring nagsisimula pagkatapos ng pinakamalalakas na pag-ulan ngunit sa panahong ito ay madalas pa rin ang pag-ulan. Ang katamtamang temperatura sa Jerusalem ay mga 7° C. (45° F.) at sa Baybayin ng Mediteraneo naman ay mas mataas ng mga sampung digri kaysa rito. Ang kulay-rosas at puting mga bulaklak ng puno ng almendras ang unang lumilitaw sa pagtatapos ng taglamig at naghuhudyat na malapit na ang tagsibol.

Sa rekord ng Bibliya, walang idinaraos na kapistahan sa buwan ng Sebat.