Sebuel
[Nanumbalik Siya sa Diyos; Bihag ng Diyos].
Ang dalawang lalaking nagngangalang Sebuel ay kapuwa halinhinang tinutukoy bilang Subael.
1. Isang Levitikong anak o inapo ng anak ni Moises na si Gersom. (1Cr 23:15, 16) Ang sambahayan ni Sebuel (Subael) sa panig ng ama ay nakatala noong muling organisahin ni David ang Levitikong mga paglilingkod (1Cr 24:20, 30b, 31), anupat binigyan ng mga tungkulin na kalakip ang pangangalaga sa mga imbakan.—1Cr 26:24.
2. Isa sa mga anak ni Heman at isang bihasang manunugtog na pinili sa pamamagitan ng palabunutan upang pangunahan ang ika-13 pangkat ng mga manunugtog sa santuwaryo.—1Cr 25:4, 6, 9, 20.