Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Secanias

Secanias

[Tahanan ni Jehova].

1. Isang inapo ni Aaron na ang sambahayan sa panig ng ama ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan bilang ang ika-10 sa 24 na pangkat ng mga saserdote na inorganisa ni David.​—1Cr 24:1-3, 7, 11.

2. Isa sa mga pinagkatiwalaan ng pantay na pamamahagi ng mga ikapu at iba pang mga abuloy sa mga lunsod ng mga saserdote noong panahon ng paghahari ni Hezekias.​—2Cr 31:12, 15.

3. Isang saserdote na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel.​—Ne 12:1, 3, 7; tingnan ang SEBANIAS Blg. 2.

4. Isang sambahayan sa panig ng ama na may kinatawan sa pangkat na bumalik kasama ni Ezra noong 468 B.C.E.​—Ezr 8:1, 3.

5. Ulo ng sambahayan ni Zatu sa panig ng ama, na 300 lalaki sa mga ito ang bumalik kasama ni Ezra; anak ni Jahaziel.​—Ezr 8:1, 5.

6. Ang “anak ni Jehiel mula sa mga anak ni Elam” na nagmungkahi kay Ezra ng tipan na sa pamamagitan nito yaong mga nasa isinauling Juda na may mga asawang banyaga ay nagboluntaryong paalisin ang mga iyon.​—Ezr 10:2-4.

7. Ama ni Semaias na nagkumpuni sa pader ng Jerusalem.​—Ne 3:29.

8. Biyenan ni Tobia na Ammonita; anak ni Arah.​—Ne 4:3; 6:17, 18.

9. Isang inapo ni David na nabuhay pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—1Cr 3:5, 9, 10, 21, 22.