Seda
Ang pinakamatibay sa lahat ng natural na mga hibla; ginagamit na ito sa paggawa ng telang maganda at magaan mula pa noong panahon ng Bibliya. Ang seda ay gawa ng iba’t ibang uri ng higad at lalung-lalo na ng Chinese silkworm, na kumakain ng mga dahon ng mulberi at naglalabas ng fluidong tumitigas at nagiging pinung-pinong mga sinulid na bumubuo sa isang bahay-uod. Sa mga libingan ng isang sementeryo sa Fenicia malapit sa Sabrata, Libya, may natagpuang mga telang seda na ipinapalagay ng mga arkeologo na hinabi mahigit na 2,000 taon na ang nakararaan.
Waring sa Tsina nagsimula ang pag-aalaga ng mga silkworm at mula roon ay lumaganap ito sa ibang mga lupain, gaya ng India. Ang mga bagay na gawa sa seda ay inilarawan ng mga Griego bilang si·ri·kosʹ, sa gayo’y iniugnay nila ang seda sa mga “Seres” (karaniwang kinikilala bilang ang mga Tsino). Sa Kasulatan, ang seda ay nakatalang kabilang sa mamahaling mga kalakal na binibili ng “Babilonyang Dakila.”—Apo 18:2, 11, 12.
Ezekiel 16:10, 13. (AS, AT, KJ, JP, Le, Mo, Ro, RS) Ayon sa tradisyong rabiniko, ang meʹshi ay tumutukoy sa seda; gayunman, hindi ito matiyak. Alinsunod dito, taglay ang suporta ng makabagong mga leksikograpo, isinalin ito ng Bagong Sanlibutang Salin bilang “mamahaling tela.”
May ilang salin ng Bibliya na gumagamit ng “seda” para sa salitang Hebreo na meʹshi sa