Selep
Ang ikalawang binanggit na anak ni Joktan; pinagmulan ng isa sa mga unang pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha. (Gen 10:26; 1Cr 1:20) Ang mga katumbas sa Arabe ng pangalang ito ay matatagpuan sa mga inskripsiyong Sabeano (mula pa noong bago ang ikapitong siglo B.C.E.) na bumanggit sa isang Yemenitang distrito ng Salaf o Salif. Ang isa pang anyo ng pangalang ito ay maaaring nanatili sa Sulaf, isang dako na mga 100 km (60 mi) sa H ng Sanʽa, kabisera ng Republika ng Yemen. Gayunman, ipinahihiwatig lamang sa pangkalahatang paraan ng pagkakahawig na ito kung saan namayan ang mga inapo ni Selep.