Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Selomit

Selomit

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kapayapaan”].

1. Isang babaing Danita na anak ni Dibri na ang anak sa isang Ehipsiyo ay pinatay sa ilang dahil sa pag-abuso sa pangalan ni Jehova.​—Lev 24:10-14, 23.

2. Isang Kohatitang Levita na mula sa pamilya ni Izhar; tinatawag ding Selomot.​—1Cr 23:12, 18; 24:22.

3. Isang Levitang inapo ng anak ni Moises na si Eliezer; tinatawag ding Selomot.​—1Cr 26:25-28.

4. Anak ng Judeanong si Haring Rehoboam sa kaniyang paboritong asawa na si Maaca; kapatid ni Haring Abias.​—2Cr 11:20-23; 12:16.

5. Anak na babae ni Gobernador Zerubabel.​—1Cr 3:19.

6. Anak ni Josipias at ulo ng sambahayan ni Bani sa panig ng ama. Si Selomit, na sinamahan ng 160 lalaki, ay pumaroon sa Jerusalem kasama ni Ezra.​—Ezr 8:1, 10.